Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Mga senior citizen sa Navotas 2 araw libre sine

Libre nang makakapanood sa mga sinehan ang mga senior citizen sa Navotas City ng dalawang araw sa loob ng isang linggo.

Ito’y matapos pagtibayin ng pamahalaang-lokal at pangasiwaan ng mall sa Malabon City ang memorandum of agreement (MOA para sa dadag na libangan ng mga matatanda sa lungsod.

Magkakasama sina Mayor Toby, kapatid na si Lone District Rep. John Rey Tiangco at opisyal ng Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) nang lumagda sa MOA sa Fisher Mall na na­kabase sa Malabon City.

Libreng makakapanood sa nasabing mall ang mga rehistradong senior citizen tuwing Lunes at Martes mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas-singko ng hapon at kailangan lang nilang ipakita ang OSCA ID para papasukin sila sa sinehan.

“Dapat malibang ang mga matatanda kasi alam naman natin na karamihan sa mga senior ay mainipin na dahil ang iba sa kanila ay may maintenance medicine na. Malaking bagay ang dalawang araw na panonood ng sine,” anang magkapatid na Tiangco. (Orly Barcala)