Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag-sahod para sa mga kasambahay sa Caraga region, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).
Sinabi ng DOLE na dahil sa nasabing umento ay papalo na sa P4,000 ang minimum na sahod ng mga kasambahay sa Caraga kada buwan.
Inaasahan ng DOLE na aabot sa 32,867 kasambahay ang makikinabang sa dagdag-sahod.
Noong nakaraang linggo ay inaprubahan na rin ang dagdag-sahod para sa iba pang manggagawa sa rehiyon. (MJD)