Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Mga gulay mahal na rin

Bukod sa bigas at tinapay, tumaas na rin ang presyo ng ilang gulay sa merkado dahil sa kakulangan umano ng supply.

Base sa ulat ng ilang tindera mula sa Balintawak, Quezon City tumaas ang presyo ng ilang gulay na galing sa Baguio at katagalugan dahil sa kakapusan ng supply bunsod ng madalang na biyahe sanhi ng taas-presyo ng gasoline.

Katulad umano ng repolyo na tumaas ng P10 mula sa P40 noong nakaraang linggo ay naging P50 na ngayon kada kilo. Ang pechay baguio ay tumaas ng P20 na mula P50 ay naging P70 kada kilo.

May ilang gulay na hindi naman tumaas ang presyo katulad ng patatas na P50 kada kilo, carrots na P65 ang kilo, labanos at beans na halagang P100 ang kilo at bell pepper na P130 ang kilo.

Pero nangangamba na rin ang mga tindera na tataas din ang presyo ng mga ito dahil sa patuloy na sirit-presyo ng gasolina.(Betchai Julian)