Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Malixi, Arejola salto sa Last 64

Sablay ang tatlong pambato ng ‘Pinas na pinangungunahan ni Rianne Mikhaela Malixi na makasokpa sa 122nd US Women’s Amateur Golf Championship knockout stage sa Chambers Bay ng University Place sa Washington nitong Martes.

Lumagak ang suportado ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.) na si Malixi, 15, gaya ni Tomita ‘Tomi’ Arejola sa seven-way tie sa 61st place ng stroke play sa parehong five-over par 151 sa likod ng 77-74 ng una at 76-75 ng huli.

Napahanay naman si Nicole Abelar sa 13 magkakatabla para sa pang-62 puwesto sa mga tinirang 72-80 at makabilang din sa may 92 mga nalagas mula sa 156 na mga parbuster. (Ramil Cruz)