Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Male personality ‘nakakulong’ sa rehas ng kawalan

Totoo ang kasabihan na para makaluwag ka, kailangan mong magbawas, kailangan mong magbenta ng mga kagamitang puwede ka namang mabuhat nang wala.

Lalo na sa mga panahong ito na matumal ang trabaho, iilan lang ang proyektong pinag-aagawan nang sangkatutak na personalidad, kung wala silang naiipon ay siguradong isa lang ang kanilang kauuwian—nganga.

Ganu’n mismo ang nangyayari sa isang kilalang male personality na naging bulagsak sa paghawak ng kanyang kinikita, hindi niya napaghandaan ang kinabukasan, inuna niya muna ang kanyang mga granatsa.

Kuwento ng aming source, “’Yon ang problema, masyado siyang naging relax na relax sa career niya. Akala niya siguro, e, panghabampanahon na ang popularidad niya.

“Grabe siya nu’n! Kung makagastos siya para sa personal needs niya, e, parang wala nang bukas pa! Todo talaga, granatsa niya ang inuna niya!” paunang kuwento ng aming impormante.

Kapag pala may lumalabas na bagong uso ay hindi siya nagpapahuli, kailangang unang-una siyang meron, para siyang nakikipagkumpetensiya palagi.

Patuloy ng aming source, “Kunwari, may bagong labas na brand ng shoes, kailangang makabili na siya agad nu’n! At hindi lang isa, iba-ibang kulay ang binibili niya, ganu’n siya kung gumastos!

SM food to go Banner Ad

“Pagdating sa shoes, e, walang makakakabog sa kanya! Palagi siyang una, kinaiinggitan nga siya ng mga kasamahan niyang artista, e!” sabi pa ng aming source.

Pero nagkaroon na siya ng pamilya. Meron na siyang matinding obligasyong kailangang gampanan. Walang ibang gagawa nu’n kundi siya bilang poste ng pamilya.

“Heto na. Pandemya. Matumal ang trabaho. Mailap ang pagkakakitaan. Kapos na kapos ang male personality. Hindi naman nila puwedeng iluto at iulam ang mga branded shoes niya!

“Ano ang ending? Natural, call his friends. Palagi siyang nangungutang, nanghihiram siya ng datung na ibabalik din niya agad, pero hindi niya naman natutupad!

“Mahirap talaga kapag hindi nag-iipon, kapag hindi pinaghahandaan ang kinabukasan, magugulantang ka talaga sa mga panahong wala ka nang mahuhugot!

“Para kang nakakulong sa rehas ng pangangailangan, sa rehas ng kawalan, dahil inuna mo ang mga granatsa mo sa buhay nu’ng kumikita ka!” napapailing na pagtatapos ng aming source.