Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Malacañang kinukulit na sa amiyenda ng Epira

Nanawagan na si Senate Minority Leader Aquilino `Koko’ Pimentel III sa Malacañang na ipasa na sa Kongreso ang kanilang panukala na nagdedetalye sa pag-amiyenda ng Electric Power Industry Reform Act (Epira).

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Pimentel na matagal nang isinusulong na amiyendahan ang naturang batas at ngayon na ang tamang panahon para gawin ito.

“Saan po ang proposal nila? Wala pa akong nakikitang draft bill na galing po sa Executive branch. So inaantay po natin `yan,” sabi ni Pimentel.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Aniya, bukas naman sila para makipagkoordinasyon sa Malacañang sa pag-amiyenda ng Epira subalit kailangan nilang alamin ang mga detalye kung anong probisyon ang babaguhin.

“Tingnan na natin `yong mga proposal na very popular, madali makakuha ng suporta, unahin na natin `yon,” ani Pimentel. (Dindo Matining)