Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lovi windang na hubad si Piolo

NI: ARCHIE LIAO

Sa vlog ni Dra. Vicki Belo, naging panauhin niya ang Kapamilya actress na si Lovi Poe.

Ayon kay Lovi, hindi raw ang pag-aartista ang pinangarap niyang pasukin sa entertainment scene kundi ang pagiging singer.

Mahilig daw kasi siyang sumali noon sa glee clubs sa school pero kahit nakakakanta, ang boses daw niya ay hindi pang-soprano.

Kaya naman, sa pag-arte siya napunta na hindi naman niya pinagsisisihan.

Sa mga nakatrabaho raw naman niyang leading men, never pa raw naman siyang nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa mga ito.

Favorite show daw na ginawa niya ang seryeng “Someone to Watch Over Me.”

Aniya, mahilig din daw siyang mag-travel nang solo dahil mas enjoy siyang magkaroon ng “alone time” sa para kanyang sarili.

Kung may nagsasabi raw na pa-mysterious siya, okey lang daw ito sa kanya dahil minsan talaga ay may sarili siyang mundo.

Tungkol naman sa kanyang kaseksihan, flattered daw siya kapag may nagsasabing she possesses one of the sexiest bodies in tinseltown.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Katunayan, may fitness goals daw siyang sinusunod sa sarili.

Sey pa niya, kapag daw hindi nasunod ang kanyang goals sa pagwo-work for the day, may tendency daw siyang maging cranky o uminit ang ulo.

Lingid din daw sa kaalaman ng karamihan ay matakaw siyang kumain dahil isa siyang foodie.

Tungkol naman sa mga nakarelasyon niya, wala raw naman siyang pinagsisisihan na dumating ang mga ito sa kanyang buhay.

Kahit pa raw iyong may pa-bad boy ang image ay wala siyang bitterness na naramdaman lalo pa’t marami naman siyang natutunan sa lahat ng kanyang naging boyfie.

Masaya ring ibinalita ni Lovi ang unang beses niyang pakikipagtrabaho kay Piolo Pascual sa Pinoy adaptation ng isang popular Koreanovela.

Sa set daw ng serye, nawindang siya sa abs ng kapareha noong nasa lock-in sila.

Paggising daw niya ng umaga pagkatapos mag-workout , nakita raw niya itong naglalakad nang nakahubad nang bumati sa kanya.

Sey daw niya sa sarili, ang ganda raw ng umaga niya dahil solb na siya sa pagkakita sa “six-pack” ng ultimate hunk na parang “ulam.”

Noong din daw nagkita sila ni Inigo ay tinawag siyang mommy nito dahil aware itong magkakasama sila sa isang proyekto ni Papa P.

Hirit pa niya, sa kabila raw ng ultimate matinee idol image ni Papa P. ay mahiyain ito kaya tinatawag niya itong ‘shy boy.”