Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lorna maraming natutunan kay Cardo Dalisay

Naikuwento na ni Lorna Tolentino noon na dapat ay 10 araw lang ang kanyang guest appearance sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Sa “Kapamilya Chat” interview kay LT, originally nga raw ay 10-day guesting lang ang inalok sa kanya, pero kutob niya noon na lalaki rin ang gagampanang papel ng kanyang karakter na si Lily Cortez-Hidalgo kaya naman na-extend ang kanyang stay ng mahigit tatlong taon at kinilala siya bilang isa sa mga mortal na kaaway ni Cardo Dalisay.

Sabi pa nga niya sa effort niya sa kanyang guesting role ay sinuggest niya sa creative staff na magpagupit at maglagay ng bangs para incomparable ang kanyang kanyang karakter sa mga ginampanan niya noon.

“Tumawag sa akin si Nay Lolit sabi sa akin, ‘Oh 10 days daw sa Ang Probinsyano, guest ka lang.’ Sabi ko okay… Tapos hanggang sa doon mismo sa first day na ‘yun, sabi ko, ‘…magba-bangs ako para maiba at malayo siya sa iba ko pang ginagawa,’” kwento ni Lorna.

Dagdag pa niya, isang karangalan sa kanyang mahigit limang dekadang karera sa showbiz ang mapasama sa “FPJ’s Ang Probinsyano,” lalo na’t talagang pumatok ito sa publiko at alam niyang todo-sikap ang mga tao sa likod ng serye.

Aniya, “I know naman kasi na kahit maikli lang ang role, magiging significant siya, so ‘yun ang iniisip ko. Lahat ng artista gustong mapasama sa ‘Ang Probinsyano’ because proven na napakatagal na ng show. Ano pa ba? You cannot argue with success.

“Ano pa ba ang iisipin ng isang artista kundi sana mapasama siya dahil alam mo na pinaghihirapan, pinag-iisipan, at pinagtatrabahuan nang maigi ‘yung show. Alam mong maalagaan kung ano ‘yung character mo bilang isang artista… Sabi nga nila, ‘Ang tibay ni Lily, umabot ng 3 years and 5 months ang 10 days niya.’ Sabi ko matibay talaga ang character niya!”

Talagang tumatak sa kanya ang experience niya sa FPJAP, to the point nga raw na na-apply raw niya roon ang tinuro sa kanya ng kanyang namayapang asawa na si Rudy Fernandez, na kilala na isa sa pinakatanyag na action stars sa bansa. Labis din niyang ikinagalak na makatrabaho at matuto pa mula kay Coco Martin.

Kamakailan din ay namatay ang kanyang karakter sa nalalabing pagtatapos ng serye, na nagtala ng all-time high viewership record sa Kapamilya Online Live noong Agosto 5.

Talagang kaabang-abang ang susunod na magaganap sa pakikipagsapalaran ni Cardo sa pambansang pagtatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong Biyernes sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, iWantTFC, at Kapamilya Online Live.