Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Liza inintriga sa topless photo ni James

Ang daming nagulat sa isang photo na kumalat sa social media kung saan ay makikitang nasa iisang sasakyan sina James Reid at Liza Soberano with another male friend.

Ang nakakagulat kasi sa larawan, parehong naka-topless si James at ang male friend na nasa unahan ng sasakyan habang si Liza naman ay nasa likod.

Nabigyan ng malisya ang nasabing larawan since pareho ngang nakahubad ang dalawang lalaki sa harap ni Liza. May mga nasagwaan lalo pa nga’t sa photo ay tila siya lang ang babae.

May mga nag-opinyon na hindi raw maganda para sa isang dalagang tulad ni Liza na makitang may kasamang naka-hubad na lalaki lalo pa nga’t may boyfriend ito na ka-loveteam din niya.

May mga nang-iintriga rin na nagtanong kung ano kaya ang reaksyon ng boyfriend niyang si Enrique Gil sa larawan.

Ang ibang LizQuen fans ay nagagalit na rin kay James dahil bilang manager, dapat daw ay pinoprotektahan nito ang alaga.

Pero may mga nagtatanggol din naman kay Liza na nagsabing nasa modern age na tayo ngayon at normal lang na makitang laging magkasama ang dalawa since manager nga ng aktres si James.

As long as wala naman daw ginagawang masama ang dalawa ay okay lang na makitang lagi silang magkasama especially if it’s work-related.

Hindi malinaw kung kaylan at saan kuha ang photo pero baka naman galing sila sa beach that time kaya ganu’n ang hitsura nila.

Huwag muna nating husgahan ang dalawa at huwag lagyan ng malisya ang kanilang working relationship.