Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Lalaking pasahero tumalon sa LRT

Nabulabog ang ilang pasaherong sakay sa Light Rail Transit (LRT-1) Monumento Station sa Caloocan City, nang biglang tumalon sa riles ang isang pasaherong lalaki na nag-aabang ng tren, kahapon ng umaga.

Sa report ni PMSG Juluis Mabasa, ng East Grace Park Sub-Station 2 (SS2), ang 31-anyos na biktimang taga-Bulacan ay nakaratay ngayon sa Philippine General Hospital (PGH) matapos mabali ang kaliwang paa nito dahil sa pagtalon.

Sa imbestigasyon ni PMSG Mabasa, alas-4:45 ng umaga, galing ang tren sa Munoz Station patungong Baclaran. Paghinto sa Monumento Station para magsakay ng pasahero ay bigla na lang tumalon sa riles ang biktima.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaagad namang nagresponde ang Caloocan Rescue Team sa pangunguna ni Ronnie Dela Cruz at iniahon ang biktima, nilapatan ng first aide bago dinala sa nasabing pagamutan.

Dahil sa pangyayari, sinuspinde muna ni LRT Spokesperson Jacqueline Gorospe ang operasyon na biyaheng Munoz hanggang Blumentrit, pero pagsapit ng alas-7:00 ng umaga, balik operasyon na ito.

Inaalam na ng mga awtoridad ang rason kung bakit tumalon ang biktima. (Orly Barcala/Dolly Cabreza)