Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Kim binagyo sa pagrampa

Marami ang naaliw sa ibinahaging Instagram reels ni Kim Chiu tungkol sa kanyang trip sa Orlando, Florida.

Dinayo niya ang Walt Disney World.

Nag-enjoy si Kim sa kanyang travel adventures sa naturang tourist destination.

Nanumbalik sa kanya ang mga alaala ng kanyang paglalaro noong bata pa siya.

Ito ay kahit pa naging maulan at binagyo ang kanyang pagrampa sa naturang park.

Of course, naroon naman ang pananggalang niyang stylish raincoat sa ulan kaya naman umariba pa rin ang kanyang pagiging fashionista.

“DISNEY WORLD FASHION WEEK!!! Celebrating 50 years of Disney!!! Category is BAGYO CHRONICLES! Akala ko effect ng Disney yung ulan. For reals pala! OOTD 1 or 2? Which one is the best???? Haha got the full experience of Florida weather [sunny emoticon] and [rain emoticon],” caption niya.

May mga nang-uurot naman kung bakit hindi kasama ni Kim ang boyfie at travel buddy na si Xian.

Tanong ng mga mahadera, hindi raw kaya may lovers’ quarrel ang dalawa?

Well, tigilan ang intrigang ‘yan dahil kasama si Kim sa Star Magic 30 Beyond The Stars US Tour.

Hindi gala ng magdyowa ‘yan,no?!