Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Karapatan sa Sabah ilaban – Robin

Dapat umanong magpursige ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa karapatan ng bansa sa Sabah.

Ito ang panawagan ni Senador Robinhood Padilla sa pamahalaan na suportahan ang laban ng Sultanato ng Sulu para makuha ang bayad upa na $14.92 bilyon.

“Sariwa pa sa atin ang makasaysayang desisyon ng Hague Permanent Court of Arbitration noong 2016 ukol sa West Philippine Sea. Binuhusan ng pansin at panahon ang usaping ito na nagbunga ng monumental na desisyon para sa kapakinabangan ng bansa. Kung kinaya nating maglunsad ng makasaysayang pagkilos sa katulad na national agenda, bakit tila po salat na salat sa pansin ang Sabah?” sabi ni Padilla sa kanyang privilege speech.

“Hindi natin maitatanggi: sensitibo ang paksa. Ngunit tulad ng lahat ng usapin na may malalim at mabigat na implikasyon sa ating Inang Bayan, hindi natin ito maaaring ipagsawalang bahala; hindi tayo maaaring manahimik na lamang,” dagdag niya. (Dindo Matining)