Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

K-lite maraming pasabog: Villar naghanap na ng mga bagong artist, talent

Amoy na amoy na nga ang pasabog ng AMBS (Advanced Media Broadcasting System, Inc.) dahil heto nga, nagsimula na ring mag-live ang K-lite 103.5 F.M, ang flagship radio station ni former Sen. Manny Villar.

At yes, sa bagong studio nila sa Starmall Shaw Boulevard, Mandaluyong City masasaksihan ang K-lite na una ngang napakinggan noong 1995.

“This marks the beginning of our venture into the entertainment business. We only look forward to recovery especially after the pandemic and we hope to be able to help our fellow Filipino through this venture, particularly in generating jobs. I’m proud and grateful at the same time,” sabi ni Mr. Villar, ang Chairman ng Villar group.

Kaya mai-enjoy na nga ng mga tagapakinig, at mga manonood, ang OG funk of the 90s vibe up to the recent hits via 103.5 FM on the radio, at siyempre pa ay mapapanood nga rin sila via live stream sa Channel 3 ng Planet Cable TV sa iba’t ibang bahagi ng Mega Manila, Region 4 Calabarzon subscriber.

Sa ngayon ay maririnig na nga ang mga tinig ng mga in-house disc jock na sina DJ Jaybee Jariol, DJ Aly Esplana.

Si DJ Jaybee, na isa sa mga orig na DJs ng K-lite ay nagbalik nitong Abril para sa kanyang daily dose of life favorites mula Lunes hanggang Biyernes, 9:00am to 12:00noon.

Si DJ Aly naman na kilalang streamer/gamer ay mapapanood/mapapakinggan tuwing 5:00pm to 9:00pm weekdays.

At siyempre, marami pa silang pasabog dahil nandiyan ang paghahanap nila ng mga bagong talent, tulad nga sa K-lite Kampus Krew, na open sa lahat ng estudyante na looking for internship program, at DJ Kampus Hunt, na open sa lahat ng aspiring voice talents na may edad 18 to 25.

I-check lang ang mechanic sa K-lite Facebook, YouTube, Twitch. At siyempre, may TikTok din sila, na kung saan ay may paandar rin silang ‘Do It, Duet Challenge’ na ang mga sasali ay dapat magpadala ng sampol kay DJ Jaybee.

Tuwing Miyerkules naman ay mapapakinggan ang 80s Wednesday, at mag-relax sa kanilang Sunday slow weekend.

At siyempre pa, maraming mga sikat na singer, artist ang inaasahang magpi-perform sa kanila ng live.

Katunayan, nag-perform na ng live sa kanila sina Ronnie Liang, The Lily band, Rachel G., Silent Sanctuary.

Oh, bongga, di ba?