Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Juan, Marinero uulit vs Baste, Archers ungos din kontra Saints

Mga laro ngayong Biyernes (Smart Araneta Coliseum-QC)
9 a.m. – Marinerong Pilipino vs Apex Fuel-San Sebastian
11 a.m. – EcoOil-La Salle vs Adalem Construction-St. Clare

Sa inaasahang muling pag-angas ni Juan Gerardo Gomez De Liano, pagdidiinan ng Marinerong Pilipino na dehins tsamba ang pagtambak sa Apex Fuel-San Sebastian College sa isa sa dalawang pares na 10th Philippine Basketball Association D-League 2022 Aspirants Cup best-of-three semifinals ngayong Biyernes sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Rematch ng top seed Golden Stags-No. 4 Skippers sa alas-9:00 ng umaga, kasunod ng No. 2 EcoOil De La Salle University-third seed Adalem Construction-Saint Clare College sa alas-11:00 ng umaga rin.

Galing sa 10 araw na pahinga ang Baste pagkataob sa Centro Escolar University sa eliminations noong Agosto 1 81-75 para nagmatik sa semifinals.

Samantalang mula sa anim na araw na rest day rin ang Marinero na huling tinabig ang Scorpions sa quarterfinals noong August 75-66 makalipas ang 86-64 pagtumba sa Quiapo-based squad noong Hulyo 9 elims na nagpapaaligaga rin kay Edgardo Macaraya.

“Mabigat pa rin silang kalaban kaya dapat prepared pa rin kami lalo na sa depensa,” anang Baste coach na huhugot ng puwersa kina Romel Calahat, Rhinwil Yambing at Ichie Altamirano.

Pero padehado epek ang counterpart ni Macaraya sa MP na si Yong Garcia: “Mas mahirap silang kalaban kasi solid na team talaga at kita mo naman dun sa five-game win streak nila.”

Raragasa sa mga pamato niya bukod kay De Liano sina Jollo Go, at Kemark Carino.

“Sana lang yung na-build naming momentum madala namin dito,” hirit pa ni Garcia.

Nakakaungos din ang Green Archers kontra Saints sa bisa ng elims 72-69 victory noong Hulyo 27 sa bangis nina Kevin Quiambao, Michael Phillips at mga mga bagong recruit na sina Evan Nelle, Mark Nonoy at Schonny Winston.

Pero ayaw gamitin iyon ni DLSU coach Frederick Pumaren sa pahayag na ‘di sa papel at sa halip sa court ang labanan.

“St. Clare is still a tough team and as much as we come in as the two-seed, we have to respect our opponents.”

Aminado ang SCC na dehado sila, pero iyon ang motibasyon ng tropa na gigiyahan nina Johnsherick Estrada, Joshua Fontanilla, at John Rojas.

“We’re ready sa kung ano ang bibigay nila sa amin. Basta ma-guide lang ng tama mga player, bibigyan namin sila ng magandang laro,” tugon ni coach Jinino Manansala ng Adalem, na mula sa 90-87 win kontra Builders Warehouse-UST noong Miyerkoles sa do-or-die quarters game. (Ramil Cruz)