Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Joshua aagawin ni Bella kay Alawi

Viral ang isang video sa pag-amin ng Fil-American singer at socmed personality na si Bella Poarch na crush niya si Joshua Garcia.

Si Bella ang most followed Tiktok contributor sa Pilipinas .May record siya na most-like Tiktok video na 50 million.
Isa rin siyang contract artist ng Warner Records.

May 91.1 milion subscribers siya sa Tiktok at 14 million followers sa Instagram globally.

Ayon sa kibitzers, may ‘tulog’ daw si Ivana Alawi kay Bella na crush din si Joshua.

Bukod sa magaling kumanta, mas bata raw at sariwa ito sa bida ng “A Family Affair.”

Matatandaang inamin noon ni Ivana sa kanyang vlog na crush niya si Joshua at dream niya na makatrabaho ito sa isang proyekto.

May mga nagmamahadera namang nagsabing bet lang umanong gamitin ni Bella si Joshua for publicity.

Pagtatanggol naman ng ilan, hindi na raw kailangan ni Bella ang maki-ride sa actor dahil sikat na rin ito at milyon-milyon ang followers globally.

Ito naman ang ilang komento ng ilan.

“Milyones na followers nya bago nya pa i acknowledge ang Pinas, one of the highest earning influencer din sya naka 3 million dollars nga ata sya in one year uwi yan sa pinas laki ng pera nya dito.”

“May kakumpentensiya na si Ivana.”

“Hello, sikat na si Bella as a Tiktoker at socmed personality. Di na niya kailangang manggamit ng sino pa.”