Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Josh, Gilas Youth sasabak sa U18

NAKATUTOK ang mapanuring mata ng sambayanan sa anak ni national men’s team coach Vincent “Chot” Reyes na si Josh Reyes na matapos hawakan ang U16 team ay bibitbitin naman ang Gilas Pilipinas U18 squad sa pagrepresenta sa bansa sa 2022 FIBA U18 Asian Championship na gaganapin sa Tehran, Agosto 21 hanggang 28.

Hindi pa man umaalis ang bagong komposisyon ng mga batang manlalaro ay marami nang negatibong reaksiyon at matitiding kritisismo ang sumalubong sa Gilas Youth partikular na sa coach nito na si Reyes.

“Bakit sasali pa sila hindi naman kailangan na manalo,” sabi lamang ng netizen na si Basket Brawl.

Ang koponan ay binubuo ng 6-foot-7 Filipino-Australian na si Mason Amos, na inaasahang magdadala sa laban ng mga Pilipino na makapagkuwalipika sa sunod na torneo sa gaganapin na Asian meet.

Nangako si Amos na maglaro para sa Ateneo Blue Eagles simula sa susunod na taon kasama ang isa pang Eagle na si Kyle Gamber sa PH U18.

Kabilang din sa koponan sina Mur Alao at EJ Abadam ng La Salle, Kobe Demisana ng UPIS, Seven Gagate ng La Salle-Greenhills, Ethan Alian at Luis Pablo, LA Andres at Joshua Coronel ng La Salle, James Nacua ng San Beda-Taytay at Ramon Salvoro ng Sacred Heart School-Ateneo de Cebu.

Huling binitbit ni Reyes ang Gilas U16 team na tumapos lamang na ikapito sa Asian tilt sa Doha, Qatar dalawang buwan na ang nakakaraan.

Huling tumapos ang Gilas U18 sa pangunguna ni Kai Sotto sa Final Four ng 2018 edition sa Thailand. (Lito Oredo)