Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Joni maharot; ngumunguya ng ‘bubble gum’ sa pakikipagtalik

NI: ROLDAN CASTRO

Pasabog si Joni McNab sa pelikulang La Traidora na gawa ni Alejandro “Bong” Ramos. Mainit pa nga sa kapeng barako ang lampungan nila ni Juan Calma.

Mistulang mga ahas sila kung maglingkisan habang kinakain ang malaking piraso ng cake na inililipat sa mga pribado nilang katawan. Isa ito sa mga eksenang kaabang-abang na tiyak na magpapainit ng kalamnan.

Bigay na bigay ang dalawang sexy star sa kanilang mga daring scene. Palaban itong si Joni .Maluluma ang isang acrobat sa mga ginawa niyang style sa pakikipag-sex. Ito namang si Juan Calma ay may pinasilip na tiyak na pagkakaguluhan ng mga kababaihan at kabadingan.

Walang kiyeme, maharot at hindi nagpatalbog si Joni sa ‘La Traidora’. Tiyak na pag-uusapan ang pagnguya niya ng bubble gum habang nakikipag-sex. Naghuhumindig din ang kaniyang alindog lalo na’t nag-hello ang hindi dapat mag-hello.

Bukod pala kina Joni at Juan , kasama rin sa pelikula sina Mia Aquino ,Ricardo Cepeda, OJ Arci at Brylle Mondejar. Mapapanood na ang La Traidora. I-download lamang ang AQ Prime sa Apple at Google Play store.

Rumatsada na ang AQ Prime Stream sa pagbibigay aliw. Sa halagang 100 pesos na promo price ay mai-enjoy ng tatlong buwan ang lahat ng mga pelikula at mga programa sa pinakabagong digital entertainment ng bansa.