Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jolina, La Salle pinaiyak Ateneo

Tinuhog ng De La Salle University Lady Spikers ang five-game winning streak matapos silang akbayan ni Jolina Dela Cruz laban sa Ateneo Blue Eagles 19-25, 25-18, 20-25, 25-22, 15-12 sa third game ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament na nilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Umiskor si Dela Cruz ng 14 points mula sa 12 attacks at dalawang blocks upang ilista ng Lady Spikers ang 10-3 record at hawakan ang second spot sa team standings.

Unang nakitaan ng bangis ang defending champions Blue Eagles matapos nilang sikwatin ang panalo.

Naging matatag naman ang Lady Spikers sa set 2 upang hindi mabaon at maitabla ang iskor sa 1-1.

Nalusaw ang four-point lead ng La Salle sa set 2, matapos dagitin ng Blue Eagles ang apat na sunod na puntos upang itabla ang iskor sa 7-all.

Nanatiling nakapokus sa laro ang DLSU kaya nakuha ang set 2 win.

Agad na bumangon ang Ateneo sa third set matapos silang akayin ni Faith Nisperos subalit hindi nasira ang diskarte ng Taft-based squad DLSU, pinana naman nila ang set 4 upang makahirit ng deciding fifth.

Pukpukan ang naging labanan sa set 5, sa bandang huli nakuha ng La Salle ang mahirap na panalo. (Elech Dawa)