Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

JM nakipagbardagulan kay Arci

Sa pinakabagong vlog ni JM de Guzman, excited niyang ibinahagi ang kanyang balik-alindog program kasama ang kaibigang si Arci.

Sey ni JM, medyo masakit pa raw ang legs niya dahil sa strenuous workout noong nakaraang araw.

Pero kailangan daw ang sakripisyo to achieve his fitness goals.

Sa kanilang fitness session, sumailalim sila sa training ng kanilang coach.

Naging warm up nila ang stretching at sinundan ng exercises sa stepper.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Pagdating naman sa push-up, sinabi ni Arci na hindi niya magagawa ang nasabing exercise dahil may konting injury ang kanyang wrist.

Nakipagbardagulan naman si JM kay Arci at sinabing nagpapalusot lamang ito na idinenay naman ng huli.

Pina-skip na lang ng coach si Arci sa nasabing ehersisyo.

Bukod sa weightlifting, kasama rin sa kanilang naging routine ang paggamit ng jumping jacks, mountain climbers at assault bikes.