Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jessy sapol kay Luis, buntis na

NI: RONALINE AVECILLA

Maraming nagulat sa latest Instagram post ng aktres na si Jessy Mendiola – Manzano. Ipinost niya ang larawan nila ng asawang si Luis Manzano na magkahawak ang kamay.

Bakas pa nga ang pagiging emosyonal ni Luis sa nasabing larawan.Makikita ang bakat na baby bump ng aktres na kaagad napansin ng mga netizen.

Hindi man direktang ibinunyag ng aktres pero sa kanyang pa-teaser ay tila obvious na ang nais nitong ibalita. Nagkomento pa nga sa post ang ilang mga kaibigang artista.

Ani Vicky Rushton, “Awwww”

SM food to go Banner Ad

“Omg!!?!!?!!?, sey naman ni Bianca Gonzales.

Excited naman ang mga netizen dahil magiging lola na raw umano si Vilma Santos na ina ni Luis Manzano.

Hindi naman nagkamali ang lahat dahil kinumpirma niya ang pagbubuntis sa kanyang Youtube channel na inupload nitong Huwebes. Tears of joy ang naging emosyon ni Jessy habang ipinapakita ang positibong resulta ng kanyang pregnancy test, gayundin sa kanyang naging ultrasound.

Isang halik naman sa tiyan ni Jessy ang naging reaksyon ni Luis.

Ito na ang pinakahihintay ng lahat dahil isang taon matapos ang kanilang kasal ay nagbunga na ang kanilang pagmamahalan.