Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jerome ‘nilaglag’ sariling pelikula

Marami ang nagdabog ang bangs dahil sa ginawang eksena ni Jerome Ponce.

Kasi naman, siya ang bida sa “Katips” tapos eto na, ang ermat ng jowa, isinambulat sa social media na pinanood nila ang kasabay nitong pelikula.

Trending topic tuloy agad-agad sa Twitter ang pangyayari .Kasi nga, ni hindi nagpaparamdam itong si Ponce para sa promo nila tapos, makikita sa social media kung ano ang kanyang date movie with his jowa.

Eh, ito ngang jowa, nagseselos pa umano kay Nicole Laurel kaya may drama si Ponce kay direk Vince Tanada na bawas-bawasan ang kissing scenes niya o kaya ay dayain ang mga ito.

Juice colored! Hindi pa nga kasal.

Hay, Jerome! Bakit mo ginawang ‘ilaglag’ ang ‘Katips’ para sa isang pelikulang galak na galak ang jowa mo?

SM food to go Banner Ad

Paki-explain!

Sharon ‘wasak’ ang puso

Alam ng lahat na hindi lang basta kapwa artista ang turingan nina Sharon Cuneta at ni Cherie Gil. Hindi lang sila magkaibigan, tunay na magkapatid ang Megastar at ang La Primera Contravida.

At siyempre pa, ang kanilang pagiging Dorina Pineda at Lavinia Arguelles sa “Bituing Walang Ningning” nakaukit na sa pop culture at history ng Philippine showbiz.

Kaya nga ang FB post ni Cuneta para kay La Madam Eigenmann, damang-dama mo kung gaano kawasak ang puso nito sa kaganapan.

May video post sa official Facebook ng Megastat kung saan makikita ang mga moment nila ni Cherie Gil at may sinulat pa ito na: “The Industry has lost one of the very best actors it had ever produced. I have lost a part of myself no one can ever replace.”