Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

James sabak uli sa Painters

BALIK sa training at conditioning ang 2-time PBA MVP at kasalukuyang City of San Juan cuncilor na si James Yap.

Isang video post ng ‘Bayang RoS’ Huwebes ang nagpapakita sa maliksi at tila kondisyon na 7-time PBA champion na si Yap kasama ang buong koponan habang nag-eensayo.

Kitang-kita din sa video post ang mahusay na shooting touch ng 16-time PBA All-Star at 2012 PBA All-Star Game MVP na si Yap na inaasahang magbabalik sa susunod na import-reinforced na Commissioner’s Cup matapos ang halos dalawang taon na pagpapahnga.

Matatandaan na sumailalim si Yap sa operasyon sa magkabila nitong tuhod upang alisan ng tubig.

Bigo ang Rain Or Shine na makarating sa quarterfinal round ng Philippine Cup matapos magkasya lamang sa ika-siyam na pwesto sa nakolektang 4-7 panalo-talo baraha. (Lito Oredo)