Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Jalen lodi ang ermat

KUNG may isang babae man sa buhay natin na pinakamahalaga sa lahat ay ang ating mga ina, ganito inihalimbawa ni Filipino-American NBA player Jalen Green ang kanyang ina sa harap ng mga Filipino fan sa JG4 Manila Tour by Adidas event kahapon.

Sa isang panayam sa kanya kung ano ang kanyang pinakamalaking motibasyon sa buhay, ay agad nitong isinagot ang kanyang ina.

“My mom,” ayon sa 20-anyos na si Green na pambato ng Houston Rockets. “Just because she works so hard. she takes care of me and my little sister.”

Ang kanyang inang tinutukoy ay ang Filipina na si Bree Purganan na tubong Ilocos Sur na kasama ni Green na umuwi sa Pilipinas para sa naturang event ng Adidas. (Annie Abad)