Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Iza ayaw pakabog kay Jessy

Ni: ARCHIE LIAO

Baby boom na maituturing ang taong 2022 kaya naman join sa listahan ng pinakabagong preggies sa showbiz celebrities sina Jessy Mendiola at Iza Calzado.

Biro ng ilan ayaw raw pakabog ni Iza na masolo ni Jessy ang isyu ng pagbubuntis. Ha!ha!ha!

Sa kanyang Instagram account, masayang ibinahagi ni Iza ang photo niya kasama ang kanyang husband na si Ben Wintle .Proud nilang pinusuan ang bagong buhay na tumitibok sa sinapupunan ng aktres.

Sa isa pa niyang post, tinawag niya ang baby niyang “abundance.”

SM food to go Banner Ad

Sa separate photo naman nila ni Ben, may caption itong “Mum and Dad.”

Marami ang bumati sa bagong ‘blessing’ na natanggap ni Iza sa kanyang buhay.

Kumbaga, after na magkaroon ng Covid-19 sa kasagsagan ng pandemya, may kapalit naman itong ‘silver lining’ dahil magiging full-fledged mom na siya

Sa taon ding ito, naisakatuparan din ang minimithi niyang pangarap na gumanap na ‘Darna’ ng iconic superheroine character ni Mars Ravelo na mapapanood na sa Kapamilya channel, A2Z at TV5 simula sa Agosto 15.