Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Inoue inatakeng kawatan

Panalo man sa huling pakikipag-upakan ay minalas naman ang Japanese boxer na si Naoya Inoue nang looban ang bahay nito.

Sa report, pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng bantamweight champion sa Tokyo kung saan nilimas ang mga mamamahaling bag nito at tinangay din ang ilan niyang mga alahas.

Nangyari ito sa gitna ng laban nila ni `The Filipino Flash’ Nonito Donaire sa Saitama Super Arena kung saan pinabagsak nito ang Noypi na boksingero at naisukbit ng 29-anyos Japanese boxer ang bantamweight championship.

Pahayag ng ilang saksi, dalawang akyat-bahay ang umatake sa bahay ng Hapon at matapos makakulimbat ay mabilis nang tumakas sakay ng kotse.

Pinaaalalahan naman ni Inoue ang madla na mag-ingat upang di maisahan ng mga kawatan. (Aivan Episcope)