PASABOG ng 17 puntos lahat sa second half ang beteranong si Reynel Hugnatan upang buhatin sa come-from behind win ang Meralco Bolts laban sa Phoenix Super LPG Fuel Masters, 109-98, sa second game ng 2022 PBA Philippine Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nagsalpak ng 6-of-10 sa field ang 43-anyos na beteranong power forward na si Hugnatan, tampok ang tatlong tres sa limang bitaw, para ibigay sa Bolts ang pambuwena-manong panalo sa All Filipino Conference.
Umahon ang Meralco sa 77-61 pagkalubog sa pamumuno ni Hugnatan, na naghulog ng 10 sunod na puntos sa third canto.
Laglag naman sa 0-2 panalo-talo kartada ang Fuel Masters. (Abante Tonite Sports)