Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Holtmann itinakas Azkals vs Mongolia

UMISKOR ni Fil-German Gerrit Holtmann sa dagdag na minuto upang itulak ang Philippine Azkals sa pagbigo sa host Mongolia, 1-0, Sabado, upang angkinin ang krusyal na puntos sa ikatlong round ng AFC Asian Cup Qualifiers sa MFF Football Center sa Ulaanbaatar, Mongolia.

Hindi nataranta sa papatapos na 90+3 minuto si Holtmann na masipa ang bola mula sa gilid ng kahon na lumampas sa gilid ng goalkeeper ng Mongolian na si Munkh-Erdene Enkhtaivan tungo sa panalo na nagbigay sa Azkals sa buong tatlong puntos.

Isang maigting na pagtanggap ang panalo para kay Holtmaan na beterano sa German Bundesliga mainstay na VfL Bochum.

Ang panalo ay isang bagay na kukunin nina Holtmann, coach Thomas Dooley at Azkals dahil ito ay nagbigay sa kanila ng mas magandang pagkakataon na makakuha ng pangalawang sunod na biyahe sa Asian Cup alinman bilang nangungunang koponan sa Group B o isa sa limang pinakamahusay na pangalawang puwesto.

Susubukan ng Azkals na gawin ito sa Martes laban sa Palestine.

Nakaipon na ang Pilipinas ng apat na puntos sa dalawang laban kasama ang scoreless draw laban sa Yemen nitong Miyerkoles. (Lito Oredo)