Mahigit P4 milyong halaga ng mga nasabat na kontrabando ang pinatunaw ng Bureau of Customs (BOC) para mapaluwag ang pasilidad nila sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)
Nabatid na nagsagawa ng `condemnation proceedings; ang BOC sa mga inabandona at sinamsam na mga kalakal na nasa P4 milyon ang kabuuang halaga.
Kabilang sa mga kalakal ay produktong tulad ng mga expired at hindi rehistradong pagkain, mga ginamit na UV lamp, mga ilegal na gamot galing China at kahon-kahon ng mga pekeng sigarilyo na tinatayang may market value na higit P3 milyon.
Lahat umano ng mga kontrabando na idinaan sa `pyrolysis o tinunaw ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Auction and Cargo Disposal Division ng BOC-NAIA. (Mina Navarro)