Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Halos 1K pa sapol ng Omicron variant

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 906 na bagong kaso ng BA.5 omicron subvariant.

Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergiere, lahat ng rehiyon sa bansa ay may kaso ng naturang subvariant.

Sa mga bagong kaso na naitala, 814 na ang gumaling, 49 ang naka-isolate pa, habang inaalam pa ang kondisyon ng mga natitirang pasyente. Bukod pa rito, 682 sa mga tinamaan ng BA.5 ang fully vaccinated na.

Gayunman, patuloy pa ring inaalam ng DOH kung paano nahawa, at kung may travel history ba ang mga BA.5 patient.

Dahil dito, umakyat na sa 4,013 ang lahat ng tinamaan ng BA.5 subvariant sa bansa.

Bukod pa rito, nakapagtala rin ang DOH ng 11 bagong kaso ng BA.4 omicron subvariant, at 7 na bagong kaso ng BA.2.12.1 subvariant. (Joven Delantar)