Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

German diplomat himas-rehas sa pagtodas ng dyowa

Dinakip ang isang German diplomat sa hinalang pinatay nito ang kanyang asawang Belgian national noong Sabado sa Rio de Janeiro, Brazil.

Gayunman, itinanggi ni German consul Uwe Hahn ang paratang at iginiit na nahulog mula sa kanilang apartment ang asawang si Walter Biot matapos itong magkasakit noong Biyernes. Uminon din umano ito ng alak at sleeping pills
Hindi ito pinaniwalaan ng mga awtoridad dahil sa mga mantsa ng dugo na natuklasan ng mga forensic sa kanilang apartment. May mga pasa at sugat din ang biktima na palatandaan na binugbog ito.

Tinutukoy pa ang motibo ng krimen. Nagsama ang dalawa sa loob ng nakalipas na 23 taon.