Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

FranSeth umiwas kay Andrea sa US tour

Maraming mga fan ng Franseth nina Seth Fedelin at Francine Diaz ang nagtatanong kung bakit di sila kasama sa “Beyond The Stars” US tour as part ng 30th anniversay ng Star Magic. May mga nang-iintriga pa ngang dahil ba sa kasama si Andrea Brillantes ay umiwas na sila?

Well not true! Magsisimula na kasi silang mag-lock in taping ang seryeng Dirty Linens na kasama ang FranSeth.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Wala na rin naman kaso kung magkakasama sila sa isang project dahil pareho naman na silang happy. Si Andrea, sa nobyong si Ricci Rivero na siya mismong naghatid sa kaniya sa airport, at si Seth na happy na rin sa bagong loveteam nila ni Francine.

Pero teka ano itong tsika na meron na raw non-showbiz girlfriend itong si Seth? ‘Yan ang ating aalamin.