Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Female personality hindi na masaya sa mister

Matindi ang ikot ng mga kuwento. Talagang hinahanapan ng anggulo ng mga Marites ang balitang nagkakalabuan na ngayon ang isang relasyong magkaiba ang linya ng mag-asawa pero tinututukan ng bayan.

Nagkakalamigan na raw ang mag-asawa. Nagkakalabuan na. ‘Yon daw ang dahilan kung bakit madalas na bumibiyahe sa iba-ibang bansa ang popular na female personality.

Kuwento ng aming source, “Maraming version ang istorya! Kesyo hindi na raw maligaya ang girl sa guy, kaya mas gusto na lang niyang abroad nang abroad.

“Rampa na lang kuno nang rampa ang girl kesa sa nandito nga siya, pero hindi naman siya happy! Ang dami-daming kuwento!” unang reaksiyon ng aming impormante.

Ito naman ang blind item na napakadaling matukoy kung sinu-sino ang sangkot. Madaling bigyan ng clue ang male personality, pero mas napakasimpleng bigyan ng pagkakakilanlan ang female personality, kaya tumbok agad sila.

Patuloy ng aming source, “How true na very personal ang reason ng pagkakalabuan nila? Matagal na nga naman silang nagsasama pero hanggang ngayon, e, wala pa ring produkto ang relasyon nila?

“Walang pagdududa sa guy, kasi nga, meron na siyang resibo! Ang girl ang itinuturong may problema kaya wala pa rin silang hinehele-heleng baby hanggang ngayon!” isa pang ispekulasyon ng aming source.

Pero may mga kasirkulo naman ang magkarelasyon na dumedepensa sa kanilang pagsasama. Maayos daw sila, sobrang abala lang sa kani-kanilang linya, wala raw katotohanan ang mga kuwentong lumalabas na on the rocks na ang kanilang relasyon.

Sabi pa ng aming impormante, “Mga friends nila mismo ang nagsasabi na maayos ang relasyon nila. Masaya sila, walang problema, gawa-gawa lang ang mga ganyang istorya!

“Ano pa ba naman ang hahanapin nila, e, nagkakasundo naman sila? Pati ang katalinuhan nila, swak na swak sa isa’t isa! Siguro nga, e, nanggaling sa balwarte ng guy ang kuwento tungkol sa hiwalayan dahil maraming naiinggit sa kanya!

“Haaay, napakadaling hulaan kung sinu-sino sila. Sumigaw ka lang ng saging lang ang may puso, pasok na sa banga! Tapos, paborito pang food ng mga daga ang name ng guy, ano pa?” tawa nang tawang pagtatapos ng aming source.