Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Fajardo, SMB swak sa kampeonato

Pagkatapos ng tatlong taon, balik sa all-Filipino finals ang Beermen na pinangunahan ang pag-angas ni June Mar Fajardo.

Nasagad sa best-of-seven semifinals ang San Miguel Beer pero sa championship ng PBA Philippine Cup din ang tuloy.

Mula opening tipoff hanggang final buzzer nasa unahan ang Beermen hanggang kumpletuhin ang 100-89 panalo laban sa Meralco Bolts sa winner-take-all Game 7 sa Smart Araneta Coliseum Miyerkoles ng gabi.

Hahamunin ng Beer sa isa pang race-to-four series ang defending champion TNT Tropang Giga na naghihintay sa Finals umpisa sa Linggo.

Sa likod ng 9 points ni Marcio Lassiter, dumistansiya agad ang SMB 26-12 pagkatapos ng first quarter.

Pinalobo pa sa 70-47 sa dulo ng third bago nilista ng Bolts ang pito sa huling 10 points ng period tungo sa 73-54 papasok ng fourth.

Naibaba pa ng Meralco sa 81-70 sa bukana ng fourth bago sumagot ng and-1 play si Jericho Cruz para sa SMB.

Wala nang collapse na nangyari sa Beer.

“Almost three years, since 2019,” ani coach Leo Austria sa huling sampa ng SMB sa championship. “Hopefully we can make it again (sa korona).”

Tumapos si June Mar Fajardo ng 29 points – 11 sa third – at 13 rebounds, may 18 markers, 9 assists at 2 blocks si CJ Perez na inari din ang 5 sa 6 steals ng SMB. Bakas si Lassiter ng 16.

“Matagal na kaming ‘di nakaabot sa finals,” bulalas ni Fajardo. “Team effort talaga.”

Mailap pa rin ang first PH Cup finals appearance sa Bolts sa kabila ng 23 points ni Cliff Hodge.

Ang iskor:

San Miguel Beer 100 – Fajardo 29, Perez 18, Lassiter 16, Manuel 13, Cruz 12, Tautuaa 7, Enciso 5, Brondial 0.

Meralco 89 – Hodge 23, Newsome 14, Black 13, Almazan 12, Banchero 8, Hugnatan 8, Quinto 7, Maliksi 4, Pasaol 0, Jose 0, Pascual 0

Quarters: 26-12, 45-31, 73-54, 100-89. (Vladi Eduarte)