Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Fajardo ‘inaasawa’ ng Meralco Bolts

Semis Game 4 ngayon: (Smart Araneta Coliseum)


(*SMB, TNT angat 2-1)

SINA San Miguel Beer teammate June Mar Fajardo at CJ Perez ang nangunguna sa Best Player of the Conference pagkatapos ng quarterfinals ng PBA Philippine Cup.

Ang tandem din ang nasa unahan ng kampanya ng Beermen sa semis kaya lamang sa Meralco 2-1.

Susubukan ng SMB na lumapit sa balik sa finals sa Game 4 ng best-of-seven ngayon sa Smart Araneta Coliseum.

Noong huli, buong larong kumakayod si Perez tungo sa 26 points – kalahati sa first half. Pagdating ng fourth quarter, kinamada naman ni BPC frontrunner Fajardo ang 10 sa kanyang 21 markers na sinahugan ng 16 rebounds at 2 blocks.

Petik-petik lang sa umpisa si JMF, tinatantiya ang double- minsan ay triple-team ng Bolts sa pangunguna ni Cliff Hodge.

Halos sampayan na ng Bolts defenders si Fajardo kapag hawak ang bola, sa final frame lang ay 10 beses pinabiyahe sa stripe tungo sa 11 of 16 free throw shooting overall.

“Pasa-pasa muna ako at hinayaan ko muna umiskor teammates ko,” ani June Mar. “Sa second half, nakakuha na ako ng bola at offensive rebounds.”

Sa likod nina Hodge, Aaron Black, Chris Newsome at Allein Maliksi, pipiliting itabla muli ng Meralco ang serye. (Vladi Eduarte)