Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Ermat tinodas sa bugbog

Binawian ng buhay ang isang ina matapos itong bugbugin ng sariling anak sa Misamis Oriental.

Sa report, nangyari ang krimen nitong Biyernes sa bayan ng Balingasag.

Naaresto naman ang suspek na si Danilito Gonzales, 35, taga-Purok 2, Barangay Camuayan, Balingasag.

Sinabi ni Balingasag Police chief, Maj. Teodoro de Oro, na umamin naman ang suspek sa pagpatay sa 56-anyos nitong ina na si Geogita kung saan sa loob mismo ng bahay ng ginang ito pinaslang.

Dagdag ni De Oro, inamin din ng suspek na pinagsusuntok niya ang kanyang nanay.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi pa kuntento, kumuha pa ito ng bato at ipinukpok sa biktima.

Sinabi ng pulis na isinara ng nanay ang pintuan at bintana nang mapansin na iba ang ikinikilos ng suspek.

Naging agresibo ang anak kaya pinigilan ito ng nanay na binugbog naman ng una.

Walang anumang rekord ang suspek sa pulis at inaalam ngayon pulis kung may diperensya ito sa pag-iisip. (Kiko Cueto)