Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Empleyado may 30 minutong break para magparaos

Bilang pakikiisa sa `pansariling pangangailangan’ ng kanyang mga tauhan, isang boss ang nagpatupad ng kautusan kung saan ang kanyang mga empleyado ay may 30 minutong ‘masturbation break’ sa gitna ng kanilang duty kada araw.

Ayon sa ulat ng The Mirror, ang boss ay kinilalang si Erika Lust, isang porn director.

Dahil sa tindi ng init na nararamdaman ng kanyang mga tauhan sa industriya, binibigyan niya ang mga ito ng 30 minuto sa isang araw para magparaos.

Aniya, ito ay upang mabawasan ang pagka-agresibo ng kanyang mga empleyado habang nagtatrabaho.

Pinatindi pa ni Lust ang masturbation break dahil binigyan din niya ng libreng mga sex toy ang kanyang mga empleyado. (MJD)