Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Embahada ng Pilipinas itinatayo sa Ukraine

KINUMPIRMA ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr., na may itinatayong embahada ng bansa sa Ukraine.

Ito ay upang matiyak na may mag-aasikaso aniya sa mga pangangaila¬ngan ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing bansa.

Kailangan aniya ng mga OFW sa Ukraine na may mapagdulugan ng kanilang mga kailangan lalo pa ngayon na nagpapatuloy ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia na nagsimula noong Pebrero.

Gayunman, hindi naman umano sigurado ang kalihim kung personal siyang makapunta sa Kyiv para sa pagbubukas ng embahada.

Bukod sa umiiral na no fly zone sa buong Ukraine, mahirap din umano ang transportas¬yon sa lugar dahil hindi regular ang biyahe ng mga tren.