Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Dyowa tinigok sa call & text

Patay ang isang 43-anyos na babae matapos itong saksakin ng kanyang kinakasama dahil sa selos sa Siniloan, Laguna, pasado alas dose nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Myla Lenes, residente ng Barangay Acevida, Siniloan.

Sa report ng Siniloan police, si Lenes ay napatay sa saksak ng live-in partner niyang tricycle driver na si Marvin Coralde, 42, sa loob ng kanilang boarding house.

Sa imbestigasyon, nalasing ang suspek matapos itong makipag-inuman sa mga kaibigan, Sabado ng gabi.

SM food to go Banner Ad

Matapos ang walwalan, nagtalo ang mag-live in nang hindi ibigay ng biktima ang kanyang cellphone sa lalaki.

Naniniwala umano ang suspek na patuloy na nakikipagtawagan at nakikipag-text ang biktima sa kanyang hiniwalayang asawa.

Nauwi sa pananaksank ng suspek sa biktima ang mainitan nilang pagtatalo na agad ikinamatay ng babae dahil sa mga tama sa dibdib at braso.

Kusang loob namang sumuko sa pulisya ang suspek at inamin ang krimen, na nakakulong na ngayon sa Siniloan police station locked up cell. (Ronilo Dagos)