Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Dyowa levels na: Arci, Piolo super landian sa Boracay

Nagdulot ng samut-saring reaksyon sa mga netizen ang pagkikita nina Piolo Pascual, Arci Munoz sa Boracay.

Nasa IG ni Arci ang photo nila ni Piolo na magkadikit ang mga katawan.

Sabi ni Arci, “My fave time of ze day with one of my favorite hooman, @piolopascual.”

Hindi nagbigay ng detalye si Arci sa bonding nila ni Piolo. Pero, pakiramdam ng mga fan, magdyowa ang dalawa.

@_quianeeeee, “Halahhhh!!!! Kayong dalawa po???!!! Omg congrats po.”

@_.jacqqq, “Mag jowa??”

@scarlettdonovaghn, “Power couple sana magkateleserye itong dalawa ulit.”

@khyzajaneee_08, “Taksil kana kay Jimin!”

Sarah, Matteo may pasabog sa Italy

Mistulang kinatawan ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa ang mag-asawang Sarah Geronimo, Matteo Guidicelli, nang magkaroon sila ng personal appearance, meeting sa Italian Embassy.

Pinoste ni Matteo ang larawan nila ni Sarah na kuha sa loob ng upisina ng embahada. May shot na nakipagkamay si Matteo sa Ambassador na si Marco Celemente.

“A nice morning coffee with the Italian Ambassador, Ambaciatore Marco Clemente. A fruitful conversation on strengthening ‘The Filipino-Italian Relationship…” sabi ni Matteo.

Naka-casual outfit lang ang mag-asawa, na checkered long-sleeves ang suot ni Matteo, at white polo, kakie pants ang kay Sarah.

Mukang may pasabog sa mga fan sina Sarah, Matteo. Dahil ayon sa caption ni Matteo, “Exciting times ahead.”

Abangan!

James ratsada singing career sa US

Muntik nang hindi makahabol si James Reid sa concert ng kanilang grupo sa USA, kung saan ilang minuto na lang ay lalagpas na ang spot number niya.

Kabilang si James sa “No Saints Tour LA” na pinangungunahan ng artist na Manila Grey, tulad nina Soliven Villarosa, Neeko.

“@manilagrey No Saints Tour LA. So much love for the 1z. Arrived literally 5 minutes before I got on stage for Backhouse ballin’ no rehearsal shit was crazy, love you guys @blamesoliven, @ghostrideneeko @azelnorth @cyro.wave.  Excited for the next move,” sey ni James.

Mapapanood sa video ang pagkanta ni James sa harap ng maraming crowd.