Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

DTI inutusan tapyasan presyo ng abono

Pinulong ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) para plantsahin kung paano maibaba ang presyo ng mga abono na gamit ng mga magsasaka.

Sa kanyang Facebook post nitong Miyerkoles, inihayag ni Marcos na nais niyang magkaroon ng abot-kayang halaga ng mga abono na mabibili ang mga magsasaka upang tumaas ang kanilang ani.

“Hangad natin na maging masigla muli ang sektor ng agrikultura kaya’t nakipagpulong tayo kay Kalihim Alfredo Pascual ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya upang siguraduhin ang mas abot-kayang presyo ng abono o pataba na gamit ng ating mga magsasaka,” ani Marcos.

Una nang sinabi ng pangulo na nakikipag-ugnayan siya sa China, Indonesia, United Arab Emirates, Malaysia at Russia para makabili ang bansa ng murang abono. (Prince Golez)