Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

DTI hahatulan hirit na taas-presyo ng mga manufacturer

Ikinakasa ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pag-apruba sa hirit na taas-presyo ng ilang manufacturer dahil na rin sa mataas na halaga ng mga raw material sa paggawa ng kanilang mga produkto.

Sa isang public briefing nitong Miyerkoles, sinabi ni DTI Undersecretary Ruth Castelo na isinasapinal pa nila ang mga pag-aaral kaugnay sa mga inihaing petisyon para sa taas-presyo ng mga bilihin.

“Meron pong mga made-deny, meron din pong mga aaprubahan, depende po kasi sa presyo ng raw materials nila that are mostly imported,” ani Castelo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Hindi naman niya binanggit kung anong mga produkto ang magkakaroon ng taas-presyo subalit sinabi ni Castelo na kabilang sa kanilang mga pinag-aaralan petisyon ay para sa mga de lata, instant noodles, kape, gatas at tinapay.

“Dahil tumaas rin `yong presyo ng raw materials in the international market, kasama `yong logistics or distribution costs nila pagdating dito, mayroon pong mga mapapayagan bahagya na pagtaas, at mayroon din pong mga hindi mapapayagan,” ayon pa kay Castelo.