Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

DOH: Dengue lumolobo sa 3 probinsya ng Cagayan Valley

Inihayag ng Department of Health (DOH) na lumampas na sa tinawag nilang “epidemic threshold” ang mga kaso ng dengue sa tatlong probinsya sa Region 2 o Cagayan Valley.

Nabatid na walong pasyente nitong Enero ang naitala ng DOH na nasawi at nangangahulugan ito na nahigitan na ng kasalukuyang mga buwan ang mga kaso ng dengue na naitala sa parehong panahon noong 2021.

Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kasama sa mga lalawigan na malala ang kaso ng dengue ang Cagayan, Isabela at Nueva Vizcaya.

Sa Cagayan Valley Medical Center lamang, nakapagtala umano nitong Mayo ng 46 na pasyenteng tinamaan ng dengue habang ngayong Hunyo ay nasa 19 na ang nakaratay.

Kaugnay nito, iInatasan ng DOH ang mga lokal na pamahalaan para gumawa ng agarang aksiyon para labanan ang dengue sa kanilang mga nasasakupang lugar. Ito’y pamamagitan ng paglinis sa kapaligiran at puksain ang pinamumugaran ng mga lamok na naghahatid ng naturang sakit. (Juliet de Loza-Cudia)