Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

DOH: COVID surge namumuro sa QC

Namimiligrong magkaroon ng COVID-19 surge sa Quezon City sa susunod na dalawang linggo, dahilan para isinailalim ang naturang lungsod sa yellow status.

Ang nasabing ulat ay kinumpirma mismo ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

“Gusto ko lang paalalahanan tama po yung slide na meron pagtaas ng kaso dito sa QC and even in other parts of Metro Manila, lagi nating titingnan na that the virus is here, that the virus will cause infections ang kailangan natin bantayan ay huwag magkaroon ng malulubhang kaso, huwag mapuno ang ating ospital,” pahayag ni Vergeire.

“It was… an internal meeting among officials para lang mag-prepare hindi para takutin ang ating mga kababayan kaso nag-leak po, so nagpa-panic ang ating mga kababayan sa ngayon,” dagdag pa nito.

Samantala, sa isang hiwalay na panayam, sinabi ng pinuno ng QCESU na si Dr. Rolly Cruz na pinag-aaralan ngayon ng mga lokal na awtoridad ang kanilang magiging hakbang upang mapaghandaan ang posibleng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19. (Sherrylou Nemis)