Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Dating ahente ng e-sabong dinukot

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang dating ahente ng talpak o online sabong matapos itong dukutin ng mga hindi nakilalang kalalakihan sa Sto. Tomas City, Batangas, Linggo ng umaga.

Ayon sa report ng Sto. Tomas City police, nakaupo sa driver seat ng kanyang kotse ang biktimang si Cesar Cadampog at hinihintay ang kanyang ina sa harap ng grocery sa Brgy. San Felix nang dumating ang mga suspek na sakay ng kulay puting Hi Ace van.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinasabing sapilitan ng mga itong inilabas ang biktima sa kotse at isinakay sa kanilang sasakyan at saka tumakbo patungo sa direksyon ng Alaminos, Laguna.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa pagdukot sa biktima. (Ronilo Dagos)