Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Darren itinanggi ang pambabastos sa magulang

Hindi nga napigilan mapaiyak ni Darren Espanto ng sabihin niya ang kanyang mapapangako sa kanyang mga magulang sa guesting niya sa “Magandang Buhay.”

Ani ni Darren, “I promise to keep trying to make you proud always and I promise not to be a disappointment too often. Siyempre nandoon na po tayo sa edad na minsan mayroon ka ring gustong gawin na minsan hindi tugma sa kagustuhan ng mga magulang natin, pero that’s part of life. Depende rin ‘yon I guess sa sitwasyon niyo sa bahay, sa relationship sa magulang mo. Magkakaiba naman tayo ng relationship, kung paano tayo pinalaki, kung paano tayo makipag-usap sa mga magulang natin. But I promise to my parents na sana makita niyo pa rin ang Darren na kilala niyo nung bata ako bago lumipad papunta ng Pilipinas.”

Aminado si Darren na minsan kasi ay may nagagawa siyang salungat sa kagustuhan ng kanyang mga magulang pero hindi naman ibig sabihin na binabastos niya ang mga ito. Gagawin na lang daw niya ang lahat ng kanyang makakaya para hindi raw pag-alalahin ang kanyang mga magulang.

“At saka hinding-hindi ko kayo gustong bastusin ever. Siguro may mga times lang na may gusto akong gawin para sa sarili ko pero siyempre as a parent hindi niyo matatanggal sa parents natin ang mag-alala. Hindi niyo matatanggal ‘yon, lalo na sa mga ina, sa mga momshie, iba ang pag-worry nila sa atin eh. I just promise to always try my best, always to make you guys proud and not be a disappointment,” dagdag ng “Lyric and Beat” star.

Kasama nga niya sa naturang guesting ang co-stars niya sa musical series na sina Seth Fedelin at Sheena Belarmino. Tulad niya, nagbahagi rin ang dalawa ng kani-kanilang mga pangako sa kanilang magulang.

“Lagi ko lang sinasabi sa sarili ko ito, siguro ang masasabi ko lang kila mama at maipapangko ko kahit saan man sa haba ng panahon paglaki ko lagi niyong masasabi na ‘anak ko yan.’ ‘Yan ang lagi kong sinasabi. At kahit nasaan ako gusto ko lang din sabihin sa mga magulang ko na kahit ilang taon na ako, gusto ko lang sabihin sa inyo na ‘Ma, Pa, takot ako sa inyo,'” share ni Seth.

Para naman kay Sheena, susuportahan niya ang kanyang mga magulang sa mga hangarin nila.

“Kung ano ‘yung gusto nilang marating na hindi nila narating before kung gusto niyang mag-aral like my mom, kung gusto niya mag-aral ng pagluluto, baking. I will totally support her. I am going to make sure na masaya rin siya,” sabi ni Sheena.

Nitong Miyerkules nga ay nagpremiere na ang kanilang palabas na “Lyric and Beat” sa iWantTFC. Isa itong musical series na tungkol sa mga teenager na gusto abutin ang kanilang pangarap maging magaling na mang-aawit at mananayaw. Panoorin ang pasabog na dance at song performances nina Darren, Seth, Sheena kasama ang ilan pa nilang cast members na sina Andrea Brillantes, Angela Ken, AC Bonifacio, at Jeremy Glinoga available sa iWantTFC. (Dondon Sermino)