Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Condition Race matindi laban

NAKATUTOK ang mga liyamadista sa kabayong si A.P. Factor pag-arangkada nito sa Condition Race sa Metro Turf sa Tanauan City, Batangas ngayong araw.

Isa sa markado si A.P. Factor sa 1,200-meter race dahil dalawa sa tatlong tipsters ng programa ng karera ay ito ang napipisil na pang-primera.

Sasakyan ni former Philippine Sportswriters Association (PSA) Jockey of the Year awardee Jessie B. Guce, posibleng magbigay ng laban kay A.P. Factor sina Shanghai Silk at Born In April.

Ang ibang kasali sa event na suportado ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon ay sina Eyeshot, Stravinsky at Top Attraction.

“Liyamado talaga si A.P. Factor, pero siyempre kokontra kaming mga dehadista, madali lang pumili dahil lima lang silang tatakbo,” saad ni Marcelo Salvador, veteran karerista.

Samantala, pitong races ang pakakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI), magsisimula ang karera sa alas-6:15 ng gabi. (Elech Dawa)