Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Clarkson hindi local player

TULUYAN nang nagkasya ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na maikonsidera ang Filipino-American na si Utah Jazz guard at NBA Sixth Man of the Year na si Jordan Clarkson na makapaglaro bilang naturalized player at hindi bilang isang lokal na miyembro ng Gilas Pilipinas.

Ito ang inihayag ni SBP Executive Director at spokesperson Renauld ‘Sonny’ Barrios sa pagdalo bilang espesyal na panauhin sa one-on-one session ng online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes kung saan nito ipinaliwanag ang mga dahilan sa kabiguan sa hangad nitong makumbinsi ang FIBA ukol kay Clarkson.

“Nakakalungkot ang sagot ko eh,” sabi ni Barrios sa weekly sports session na handog ng San Miguel Corporation, Milo, PSC, POC, Amelie Hotel Manila, Unilever at PAGCOR.

“Sabi nga ‘Bull by the horn, horn by the Bull’. Hindi na puwede siya maglaro as local. Tinanggap na namin sa SBP na naturalilzed lang ang classification niya sa FIBA. We tried our best, our very best and maraming pagsisikap na makuha an gating kagustuhan, pero iyan gagamitin na talaga natin siya as naturalized. There is no turning back,” sabi ni Barriors.

Una nang ipinaglaban ng SBP ang katayuan ni Clarkson bilang isang Pilipino base sa konstitusyon ng Pilipinas na ito ay isang Filipino dahil sa pagkakaroon ng mga magulang na may dugong Pinoy. Pinilit din ng mga mambabatas na ikunsidera ito ng internasyunal na asosasyon na FIBA subalit nabalewala ang kanilang hinaing.

“Hindi naman natin ito sinukuan. Abandon is not the word, but kapag ilang beses mo nang nakakausap at the highest point ang FIBA, mahirap na sabihan ka pa na “what part of No you don’t understand”?” sabi ni Barrios. (Lito Oredo)