Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Christine lampas langit magpaligaya

NI: ROLDAN CASTRO

Todo bigay si Christine Bermas sa kanyang pelikula na ‘Scorpio Nights 3’. Ngayon naman ay grabeng ligaya ang ibibigay niya sa pelikulang ‘Lampas Langit’.

First time din ni Christine sa ‘pompyangan’scene sa kapwa babae.

Ngayong August 19 na mapapanood ang kakaiba at nakakaintrigang kwento ng bago niyang movie, streaming exclusively sa Vivamax.

Isa itong sexy romance-thriller na tinatampukan din nina Baron Geisler, Ricky Davao, Chloe Jenna, Ivan Padilla, Milana Ikemoto at Quinn Carrillo. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Jeffrey Hidalgo.

“Sasagarin ka ni Belle (karakter niya sa movie) hanggang lumampas ka sa langit,” caption ni Christine sa kanyang Instagram account..