Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Cherie sinagot ang gastos ng director

NI: ARCHIE LIAO

Kung may mga baguhang actor na madalas ma-intimidate kay Cherie Gil, ito ay dahil malaki ang pagpapahalaga ng namayapang aktres sa disiplina ng kanyang trabaho.

Kung ang iba ay may impresyon na suplada siya, unapproachable o aristokrata, iba naman ang sinasabi ng mga kaibigan at mga katrabahong nakakilala sa kanya.

Kaya naman, para sa award-winning director na si J. E. Tiglao (2019 Cinemaone Originals best director for Metamorphosis) isang malaking kawalan para sa kanya ang pagyao ng tinaguriang primera contravida ng Philippine cinema.

Feeling kasi niya, hindi lang siya nawalan ng kaibigan kundi naulila sa ina.

Ayon kay Tiglao, hindi raw niya malilimutan ang kagandahang loob ni Cherie.

Nag-message raw kasi ito sa kanya noon at tinatanong siya kung kailan siya pupunta ng Los Angeles sa California sa Estados Unidos.

Aniya, tila malabo na raw mangyari iyon dahil inabisuhan daw siya ng festival organizers na hindi nila sagot ang airplane tickets niya at accommodation sa pag-attend niya ng filmfest.

Hindi naman raw nagdalawang isip ang namayapang aktres na magmagandang-loob at sinagot ang lahat ng kanyang gastos kaya naka-attend siya ng naturang international filmfest sa US.