Philippines
This article was added by the user . TheWorldNews is not responsible for the content of the platform.

Celtics walastik: Teritoryo namin ito!

NAGAWAN din ng paraan ng Boston kung paano sabayan ang third-quarter blitz ng Golden State sa Game 3 ng NBA Finals nitong Miyerkoles.

Umiskor si Jaylen Brown ng 27, may 26 si Jayson Tatum at 24 kay Marcus Smart at kinubabawan ng Celtics ang Warriors 116-100 sa TD Garden tungo sa 2-1 lead.

Inari pa rin ng Warriors ang third period 33-25 pero hindi nagpaiwan ang Celtics na nanatili sa unahan 93-89 papasok ng fourth.

Sa final period, sa pangunguna ni Smart ay nilimitahan ng Boston ang mga dayo sa 11 points lang.

Naka-anim na 3-pointers si Stephen Curry tungo sa 31 points – 15 sa third.

Kaya lang, iika-ikang lumabas ang Golden State star sa dulo ng fourth nang madaganan ni Al Horford ang paa.

Nagdagdag ng 25 markers si Klay Thompson mula sa limang 3s.

Dinomina din ng Celtics ang rebounding department 47-31 sa likod ng pinagsamang 34 nina Horford, Brown, Smart at Robert Williams na may 4 blocks pa. Mula sa floor ay 9 of 23 lang si Tatum pero namigay ng 9 assists.

Game 4 sa Sabado (araw sa Manila) sa Boston pa din. (VE)